EXCLUSIVES

Willie Revillame on signing a deal with GMA Records: 'Nararamdaman ko na 'yung pagtanggap nila'

Published On: September 4, 2015, 6:06 PM
Willie Revillame signs with GMA Records today and plans to debut his carrier single on 'Wowowin.'
By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sunod ng pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame ay ang pagbabalik niya bilang isang recording artist.
 
Pumirma ng isang record deal ang Wowowin host with GMA Records today, September 4. Ito ay dinaluhan nina Vehnee Saturno, isa sa kanyang mga producer, Executive Vice President and COO of GMA Records Felipe S. Yalong and GMA Records Managing Director Rene Salta.
 
Pahayag ni Willie, “Nararamdaman ko na ‘yung pagtanggap talaga. Nararamdaman mo na ‘yung welcome ka dito, hindi ka lang as a blocktimer.”
 
Noong nakaraang dalawang taon pa raw nakahanda ang mga kanta ng batikang host para sa kanyang upcoming album ngunit ngayon lang niya napagpasiyahang i-release at distribute ito.
 
“Matagal na ‘to, nakatago for almost two years. It’s the right time [to release this]. Sabi nga, sa tamang panahon, at ito na ang tamang panahon sa GMA Records,” ani Willie.
 
“Right time, right songs, right people,” diin din nito.
 
Kuwento pa niya, mapapakinggan ang kanyang carrier single, ang 'Nandoon Ako' sa kanyang Sunday noontime show.
 
“Ito pong Sunday na ‘to, sana’y mapanood niyo ‘yung Wowowin. ‘Yung the usual na gusto ko 'pag kinakanta ‘yun... ‘yung mga nagmamahal na ‘yung kanilang mahal sa buhay nasa malayong lugar, parang nandoon pa rin ang kanilang pagmamahal in spirit sa kantang ito,” wika niya. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->