EXCLUSIVES

Alden Richards, naluha habang nagre-record ng 'God Gave Me You'

Published On: October 8, 2015, 11:29 AM
Kuwento ng Pambansang Bae, naalala niya ang kanyang yumaong ina kaya hindi nya napigilang mapaluha habang kinakanta ito.
By CHERRY SUN

Hindi napigilang maiyak ng GMA Records artist at Pambansang Bae na si Alden Richards habang ginagawa ang recording na kantang God Gave Me You.



WATCH: Alden Richards revives Bryan White's 'God Gave Me You' 

Ikinagulat ng kanyang producer na si Sir Kedy Sanchez nang marinig na medyo nawawala sa tono si Alden habang kumakanta dahil lumuluha na pala ito.

Kuwento ng Pambansang Bae, naalala niya ang kanyang yumaong ina. Aniya, “I know in my heart sincerely that I’m doing everything, I’m doing this for her because this was what she wanted when she was alive.”

Itinuturing niyang inspirasyon ang kanyang ina na dati pa’y nangangarap na para sa tagumpany niya.

READ: Alden Richards dedicates his album to his mom

“Pag iniisip ko ‘yung mom ko, iba ‘yung nabibigay sa aking energy. Even though I’m tired, siya ‘yung lakas ko hindi lang sa singing. If ever I feel physically tired of everything, pag inisip ko siya nabubuhayan ako,” sambit ni Alden.

Sa October 17 ay gaganapin na ang grand launch ng Wish I May, ang album ni Alden under GMA Records. Simula na rin ngayon, October 8, hanggang October 16 ang pre-selling ng kanyang album via i-Tunes.

Para sa pagkakataong mapanood siya ng live, tutok lang sa GMANetwork.com at official Instagram account ng GMA Records.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->