EXCLUSIVES

Mall show at international concert ni Alden Richards, kasado na

Published On: October 22, 2015, 5:38 PM
Sa mga naka-miss ng Wish I May album launch, huwag kayo mag-alala! May chance pa kayo na makita si Alden mag perform ng live. 
By CHERRY SUN

Sa mga naka-miss ng Wish I May album launch, huwag kayo mag-alala! Ani Alden Richards, maglilibot siya sa iba’t ibang lugar para i-promote ang kanyang gold record na album.

LOOK: At the successful launch of Alden Richards' 'Wish I May' album 

Pag anunsiyo ng GMA Records, ngayong Biyernes na, October 23, ang unang mall show ng Pambansang Bae.



“Sugod na sa Market Market for a group photo op with @aldenrichards02. Simply buy his new album. Kitakits,” ayon sa post ng record label.

May pagkakataon din siyang mapanood na mga Kapuso mula Middle East dahil kasado na ang international concert ni Alden ayon sa ulat ng Chika Minute.

Gaganapin ito sa Doha, Qatar sa January 8, 2016 na magsisilbing post-birthday celebration na rin ng GMA Records artist. Ibinalita na rin ng kanyang concert producer na sold out na agad ang VIP tickets sa naturang event.

Video courtesy of GMA News

CONTENT YOU MIGHT LIKE