EXCLUSIVES

Alden Richards, tumanggap ng triple platinum award para sa 'Wish I May' album

Published On: January 31, 2016, 9:12 PM

Humakot na naman ng award si Alden Richards kanina sa Sunday Pinasaya.

By ANICA SAMODIO

Humakot na naman ng award si Alden Richards kanina sa Sunday Pinasaya.

Sinorpresa ni Aiai Delas Alas at iba pang host ng Sunday Pinasaya si Alden Richards ng triple platinum award para sa kanyang ‘Wish I May’ album at platinum award naman para sa ‘Wish I May’ single. Ibinigay ito ng kinatawan ng PARI (Philippine Association of the Record Industry) at GMA Records. 

READ: Alden Richards just reached 3 million followers, here's why

READ:Alden Richards's 'Wish I May' album, certified double platinum na!  
 

Nakakuha din ang kanyang single 'Wish I May' ng platinum award, kaya naman walang pagsidlan ng tuwa at pasasalamat ang Pambansang Bae. Kaya naman kinuha ni Alden ang pagkakataon para magpasalamat sa kanyang fans at sa GMA Records.


“Nako maraming salamat po, kung hindi naman po dahil sa inyong lahat na sumusuporta sa Aldenatics, sa AlDub Nation wala naman pong triple platinum so maraming maraming salamat po sa GMA Records for giving me the chance” ani Alden.
 



Binati din ang Pambansang Bae at Maine Mendoza ng mga host para sa kanilang pagkapanalo ng ‘People of the Year’ award.

Alden Richards and Maine Mendoza hailed as PeopleAsia's 'People of the Year' 

READ:Alden Richards and Maine Mendoza, present at magkatabi sa Sotto-Luna wedding!

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->