Derrick Monasterio, tatalakayin ang iba't ibang mukha ng pag-ibig sa kanyang upcoming album
Nakatakdang i-release ang kanyang first solo album sa April 5 kung saan ipapakita nito ang kanyang sariling istilo sa pagkanta bilang isang balladeer.
“Tungkol nga siya sa love.” Ito ang ibinahagi ni Derrick Monasterio na tema ng kanyang upcoming album under GMA Records.
Nakatakdang i-release ang kanyang first solo album sa April 5 at iha-highlight daw nito ang kanyang sariling istilo sa pagkanta bilang isang balladeer.
READ: “Makakakita kayo ng bagong ako” – Derrick Monasterio on his upcoming album
Kabibilangan ng originals at covers ang album ni Derrick. Gayunpaman, ang kanyang mga awit ay sesentro sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig.
“May tungkol sa love. May tungkol sa you’re asking for another chance. May mga ganun eh. Merong na-mesmerize ka sa girl,” aniya.
WATCH: Derrick Monasterio asks, 'Give Me One More Chance'
Inamin din ni Derrick na mayroon siyang inspirasyon para sa kanyang album, at mula sa kanyang mga personal na karanasan siya humuhugot kapag kumakanta.
“Halimbawa, pag medyo sad ‘yung song, syempre iisip ka ng sad na nangyari sa buhay mo. Pag medyo masaya, halimbawa ‘yung crush mo, isipin mo ‘yung crush mo,” paliwanag niya habang tumanggi siyang pangalanan ang taong sumasagi sa kanyang isip habang umaawit.
Kilalanin si Derrick bilang isa sa mga pinakabagong GMA Records artist, panoorin ito: