EXCLUSIVES

Julie Anne San Jose, mas pinatatag ng kanyang sampung taon sa showbiz

By CHERRY SUN
Published On: May 23, 2016, 7:20 PM

Hindi man naging madali ang lahat, masaya at nagpapasalamat si Julie sa kung ano man ang kanyang tinatamasa ngayon.

Isang mas matatag na Julie Anne San Jose ang bunga ng kanyang sampung taon na pamamalagi sa mundo ng showbiz. Ito ang ipinahayag ng Asia’s Pop Sweetheart sa ekslusibong panayam niya sa GMANetwork.com tungkol sa kanyang 10th anniversary.

Kuwento ni Julie, “It’s been a long journey. Kahit na sabihin ko na bata pa ako pero marami na rin akong napagdaanan and naranasan ko ‘yung hardships. I’ve encountered many trials na rin. Basta lahat ng mga ginagawa ko, talagang pinaghihirapan ko.”

Inamin niyang maraming beses na sumagi sa kanyang isipan na iwanan na lang ang pagiging isang singer at artista, lalo na noong inaalala niya kung kaya niyang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho, isang bagay na ipinangako niya sa kanyang ama. Kahit iniisip niyang mag-quit ay nakakuha siya ng tamang gabay sa kanyang desisyon.

Aniya, “Si Lord, parang nilalagay niya talaga ako sa path na ito kahit anong gawin ko.”

“Syempre, I woudn’t be where I am right now if it weren’t for my fans din, for my supporters. ‘Tsaka syempre suporta ng family, ‘yun ang pinaka-importante talaga kasi kumbaga sila ‘yung mga taong totoo na sumusuporta sa iyo and tanggap ka kung ano ka,” patuloy din niya.

READ: ‘In Control’ concert ni Julie Anne San Jose, isang pagpapasalamat sa kanyang mga tagasuporta

Hindi man naging madali ang lahat, masaya at nagpapasalamat si Julie sa kung ano man ang kanyang tinatamasa ngayon.

Sambit niya, “I’ve learned na hindi siya ganun kadali makuha. Kailangan talaga pagsikapan mo at pagbutihan mo kasi walang mangyayari sa’yo. Kumbaga, parang stuck ka na lang doon kung wala kang ginagawa, kung nagiging dependent ka na lang or comfortable ka na lang ‘di ba.”

READ: Julie Anne San Jose makes sure to always innovate and challenge herself in all performances 

"Thankful na rin ako kasi marami akong natutunan, marami akong nakasalamuhang mga tao na marami rin akong natutunan from them. It’s been a great experience, a learning experience for me, and I’m hoping na sana mas maging colorful pa ‘yung career [ko] in the future,” kanyang pagtatapos.

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

IN PHOTOS: Julie Anne San Jose is ‘In Control’

READ: 5 things you missed from Julie Anne San Jose’ live Q&A 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->