EXCLUSIVES

Tambalan nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, magpapakilig sa 'Naririnig Mo Ba?' music video

By CHERRY SUN
Published On: June 29, 2016, 11:12 AM

Hindi pa man ito napapanood ay may patikim na kilig ang dalawa sa netizens.

Makakasama ni Julie Anne San Jose ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves para sa music video ng kanyang pinakabagong single na ‘Naririnig Mo Ba?’ Hindi pa man ito napapanood ay nagpakilig na ang kanilang tambalan sa netizens.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, marami ang nakapansin sa  sweet Twitter exchanges ng dalawang Kapuso stars na tila may term of endearment na. Dahil dito ay marami ang naghayag na rin ng kanilang suporta para sa #BenLie

 

 

 

 

Aminado rin si Ben na isa siyang tagahanga ng Asia’s Pop Sweetheart.

Paglarawan niya, “Pretty, talented, good friend, masarap kausap, magaan [katrabaho], simple. [There’s] a lot of things to like [about her].”

Nagpapasalamat naman si Julie sa naging magandang tugon ng kanilang fans. Aniya, “Thankful po kasi syempre alam mo ‘yun, sinusuportahan nila kaming dalawa individually and as a pair."

Special daw ang ‘Naririnig Mo Ba?’ para kay Julie dahil siya mismo ang nagsulat ng lyrics ng kanta.

Video courtesy of GMA News

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

READ: Julie Anne San Jose's ‘Naririnig Mo Ba?’ debuts at top spot on iTunes 

READ: Julie Anne San Jose reveals more details on upcoming album 'Chasing the Light' 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->