'Imagine You & Me,' nanguna sa top 3 spots sa iTunes PH
Number one sa iTunes PH top songs ang version ni Maine Mendoza ng 'Imagine You & Me.'
Unang araw pa lang ng digital release ngunit nanguna na hindi lamang sa isa kung hindi sa top 3 spots ng iTunes PH ang theme song ng pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza.
READ: Imagine You & Me soundtrack, available na for download and streaming
Number one sa iTunes PH top songs ang version ni Maine Mendoza ng Imagine You & Me. Samantala, ang duet nila ni Alden ang nasa ikalawang spot at ang minus-one version ang nasa ikatlong spot.
“Congratulations, Maine Mendoza, Alden Richards at Bossing Vic,” pagbati ng GMA Records na nagdi-distribute ng naturang kanta.
Ang lyrics ng Imagine You & Me ay isinulat ni Maine habang ang music nito ay gawa ni Vic Sotto at arranged ni Jimmy Antiporda. Ang APT entertainment naman ang nag-produce ng kanta.
MORE ON 'IMAGINE YOU & ME':
READ: The making of Imagine You & Me, mapapanood ngayong July 9
READ: Kissing scene nina Alden Richards at Maine Mendoza, isa sa mga dapat abangan sa Imagine You & Me?