EXCLUSIVES

Kim Domingo, mas magiging daring sa kanyang "Know Me" music video

By CHERRY SUN
Published On: July 17, 2016, 9:00 AM

Dream come true daw para kay Kim ang project na ito. 
 

Dadaigin pa ni Kim Domingo ang kanyang character sa Juan Happy Love Story dahil mas daring siya sa kanyang music video para sa debut single na "Know Me."

“Sobrang sexy nitong music video na ‘to, tapos parang ‘yung dating niya pang international, ‘yung tunog niya, ‘yung lyrics niya,” bahagi niya sa panayam ng 24 Oras.

Kuwento rin ni Kim na dream come true ang kanyang bagong proyekto under GMA Records. Noong 12 years old palang daw kasi siya ay mahilig na siyang umawit sa mga events.

“Medyo may dance dance tapos pa-sexy, and then meron akong ka-partner na foreign guy dito. So meron kaming scene na parang bath tub scene,” dagdag niya.

WATCH: Kim Domingo teases in sexy music video shoot

Masaya rin si Kim sa mga nakukuhang feedback tungkol sa kanyang pagganap sa Kapuso romantic-comedy na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

“Meron akong nabasang comment na, ‘bagay na bagay sa’yo ‘yung role mo.’ ‘Yun, tapos kahit baguhan palang daw, medyo okay na daw ‘yung pag-arte ko so na-touch naman ako,” kuwento niya. 

 

MORE ON KIM DOMINGO:

LOOK: Kim Domingo, to release debut single "Know Me" under GMA Records

MUST-SEE: 18 sexiest photos of Kim Domingo

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->