EXCLUSIVES

Album launch ni Alden Richards, dinagsa ng fans

By CHERRY SUN
Published On: October 10, 2016, 3:00 AM

Kasama sa ‘Say It Again’ ang pintong bagong kanta ni Alden at ang mga minus one version nito para sa mga gustong kantahin ang mga awitin ng Pambansang Bae.

Kahapon, October 9, ay naging matagumpay ang launch ng ikalawang album ni Alden Richards mula sa GMA Records.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, makikitang dinagsa ang naturang event ng Pambansang Bae. Napuno raw ng mga naghihiyawang fans ang album launch ng ‘Say It Again.’ 

Hindi naman ito nakapagtataka dahil tinangkilik din ng kanyang supporters ang kanyang unang album. Sa katunayan, ang ‘Wish I May’ ay ginawaran ng 9x Platinum at Diamond awards kasunod ng mahigit 150,000 units at digital versions na naibenta.

Ani Alden, “Literal na cloud nine feeling. Talaga pag hindi mo alam tapos na-surprise ka. ‘Yun talagang pagdating mo sa dressing room, natulala nalang ako. Hindi ko alam kung maiiyak ako, tatawa ba ako or basta, wala as in happy lang.”

Kasama sa ‘Say It Again’ ang pintong bagong kanta ni Alden at ang mga minus one version nito para sa mga gustong kantahin ang mga awitin ng Pambansang Bae.

“Pag gumagawa po kasi ako ng album, I see to it that it has parts of me in it. So dito sa mga kantang linagay ko, na nasa loob ng album, they also get [to know[ a lot [about] me in it,” bahagi ni Alden.

Dagdag din niya, mas lalo siyang inspired ngayon na pasayahin ang kanyang mga tagasuporta. Malaki rin daw ang posibilidad na masundan pa ang album na ito. 


MORE ON ALDEN RICHARDS:

LOOK: Alden Richards, awarded with Diamond Record for ‘Wish I May’ album

READ: Alden hopes to continue inspiring people  as he receives Diamond Record Award

IN PHOTOS: Alden Richards and Maine Mendoza in Morocco

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->