EXCLUSIVES

WATCH: Alden Richards, nag-shoot ng music video para sa 'Your Guardian Angel'

By CHERRY SUN
Published On: December 24, 2016, 10:59 AM

Tutok si Alden Richards sa paggawa ng music video para sa bago niyang single na "Your Guardian Angel."

Tutok si Alden Richards sa paggawa ng music video para sa bago niyang single na "Your Guardian Angel."

Ayon sa ulat ng 24 Oras, ang naturang kanta ng Red Jumpsuit Apparatus ay isa sa mga paborito ni Alden simula noong high school pa lamang siya. Kaya naman, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na i-revive ito at isama sa kanyang ikalawang album under GMA Records na Say It Again.

Pinili rin daw ng Pambansang Bae ang kanyang kaibigan at dancer-choreographer na si Miggy Tanchanco na magdirek ng kanyang music video.

Bahagi ni Alden, “Very sentimental. May konting romance, pero childhood romance kasi ‘yung peg ng ‘Your Guardian Angel’ so medyo on the reminiscing side.”

Ikinuwento rin niya sa parehong panayam na para sa kanyang 25th birthday sa January 2 ay nais niyang magkaroon lamang ng simpleng selebrasyon.

Aniya, “Ang daming malalaking events na nangyari noong 2016. Kumbaga sa birthday ko parang gusto ko lang, kalmado lang. Calm lang. Siguro nga kahit celebration wala na kasi sasabay na namin sa New Year and Christmas eh.”

 


Video courtesy of GMA News

MORE ON ALDEN RICHARDS:

READ: AlDub, GabRu at BiGuel, ibinahagi ang kanilang Christmas plans

LOOK: Alden Richards, nagpasaya sa mga Kapuso sa Hong Kong

WATCH: Alden Richards, booming ang music career 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->