EXCLUSIVES

EXCLUSIVE: Mga kanta ni Kian Dionisio, karamay ng mga sawi sa pag-ibig

By CHERRY SUN
Published On: February 7, 2017, 4:16 AM

Sa eksklusibong panayam sa GMANetwork.com, nagkuwento si Kian tungkol sa kanyang self-titled EP.

 

 

Karamay ng mga may pinagdaanan at sawi sa pag-ibig ang handog ni Kian Dionisio sa kanyang EP under GMA Records.
 
Sa eksklusibong panayam sa GMANetwork.com, nagkuwento si Kian tungkol sa kanyang self-titled EP. Original compositions niya ang limang kantang bahagi ng kanyang EP: ang "Pa-Fall," "Babalik Ka Pa Ba," "Gabi," "Ako Na Lang Ulit" at "Aldubidab."
 
“Hugot songs talaga siya. ‘Yun talaga ‘yung songs ko, puro brokenhearted, tapos in love. Puwera ‘yung Aldubidab kasi kina Alden ‘yun, sinulat ko for them, pero lahat ‘yun talagang personal na [hugot],” bahagi niya.
 
Pag-amin ni Kian, mas madali para sa kanya ang magsulat ng hugot songs.
 
Sambit niya, “Hindi ko alam kung bakit before mas madali para sa akin ang gumawa ng ganyan. Although masaya naman ako, ang lulungkot ng songs. Ang daming nagtatanong sa akin, ‘Bakit ‘yung mga songs mo, ang lulungkot? Di ka ba masaya?’”
 
“Sabi ko, parang mas kailangan ng tao na maramdaman na may kakampi sila kapag nakikisimpatiya ka sa nararamdaman nila. Parang ganun lang, so 'di ko alam. Parang naiintindihan ka ng song, pareho kayo ng pinagdadaanan,” patuloy ni Kian.
 
MORE ON KIAN DIONISIO:
 
EXCLUSIVE: Natalia Moon and Kian Dionisio join the roster of GMA Records talents
 
EXCLUSIVE: Natalia Moon and Kian Dionisio sign with GMA Records 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->