EXCLUSIVES

Alden Richards, pinarangalan ng Gold Record award para sa album na 'Say It Again'

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published On: April 2, 2017, 3:39 AM

Congratulations, Alden!

Sa Sunday PinaSaya, pinarangalan si Alden Richards sa kanyang pangalawang album under GMA GMA Records na 'Say It Again' dahil umabot na ito sa Gold Record status.

"Akalain mo 'yun?" natatawang bungad ng Kapuso star.

Ibinigay ng GMA Records A&R Manager na si Mr. Kedy Sanchez ang kanyang award ngayong Linggo, April 2. 

 

Hindi naman napigilan ni Alden na magbiro sa kanyang Sunday PinaSaya family nang kanyang matanggap ang award. Aniya, "Actually 'yung kalahati nito ako ang bumili. Joke lang!"

Puno naman ng pasasalamat si Alden sa mga tao na patuloy na sumusuporta sa kanya at pati na rin sa kanilang tambalan ni Maine Mendoza.

"Thank you so much siyempre kay Lord, I offer this award para sa lahat ng naniniwala at sumusuporta sa akin at kay Maine. Thank you so much para po sa inyo 'to!"

Congratulations, Alden!

MORE ON ALDEN RICHARDS:

Tickets to Alden Richards' upcoming concert, sold out!

LOOK: Alden Richards and Bae-by Baste's chocolate date

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->