EXCLUSIVES

EXCLUSIVE: Kanta ni Aiai delas Alas, inspired mula sa kanyang love story

By CHERRY SUN
Published On: November 9, 2017, 11:50 AM

Ang makulay at magandang love story raw ni Aiai delas Alas ang naging inspirasyon para sa kanyang single na “Walang Pinipili” kung saan makakasama niya ang rap group na Ex-Battalion.

Ang makulay at magandang love story raw ni Aiai delas Alas ang naging inspirasyon para sa kanyang single na “Walang Pinipili” kung saan makakasama niya ang rap group na Ex-Battalion.

Kuwento ni Aiai na siya mismo ang lumapit sa rap group para sa kanilang collaboration under GMA Records. Mapapakinggan sa “Walang Pinipili” ang pakikipagsbayan ng Philippine Queen of Comedy sa rap music.

“Gusto ko makilala ako ng mga millenials, and at the same time ‘yung Ex-Batallion din naman para makilala din sila ng mga fans ko,” paliwanag niya.

Aniya, siya rin daw ang namili ng tema para sa kanilang single.

Sambit ni Aiai, “Ganito ‘yung gusto kong tema nung song, about love. Love is ageless, love is walang mahirap, walang mayaman. Walang kapansanan. Love is unconditional, parang ganun.”

Kahit busy sa kanyang nalalapit na kasal, binigyang-panahon daw talaga ng Sunday PinaSaya host ang proyektong ito.

“Matagal ko nang iniisip ‘yun kaso ‘yun nga na-busy ako tapos nagmo-movie ako pero kasi ‘yan ang dream ko eh, magkaroon ng isang blockbuster hit na single or kanta. So sabi ko, ‘di ba sabi nga nila, ‘Try and try until you succeed.’ So malay mo, kahit man lang mag-Gold [record] man lang ‘yung single ko, okay na ako,” pag-amin niya.

Si Aiai ay pumirma ng isang distribution deal kasama ng GMA Records para sa kanyang bagong single kahapon, November 8. Maliban dito, may mga nakalinya din daw siyang ibang proyekto tulad ng isang concert kasama ang Kapuso music label. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->