EXCLUSIVES

Alden Richards at ibang GMA Records artists, nominado sa PMPC Star Awards for Music

By CHERRY SUN
Published On: February 26, 2018, 6:00 PM

Nangunguna sina Alden at Julie Anne San Jose sa mga pinangalanang nominees mula sa GMA Records sa 9th PMPC Star Awards for Music.

Ilang GMA Records artist ang nakatanggap ng nominasyon para sa 9th PMPC Star Awards for Music.

Nangunguna si Alden Richards sa mga pinangalanang nominees mula sa GMA Records. Ang Pambansang Bae ay nominado sa siyam na kategorya.

Kabilang dito ang Song of the Year para sa kanta niyang “Rescue Me,” Male Recording Artist of the Year, Album of the Year, Pop Album of the Year, Male Artist of the Year, at Album Cover of the Year para sa sa kanyang album na ‘Say It Again,’ Concert of the Year at Male Performer of the Year para sa kanyang concert na ‘Upsurge,’ Music Video of the Year para sa kanyang music video na “Your Guardian Angel.”

Samantala, nakatanggap naman si Julie Anne San Jose ng anim na nominasyon. Ang Asia’s Pop Sweetheart ay nominado sa kategoryang Song of the Year para sa kanyang kantang “Chasing the Light,” Female Recording Artist of the Year, Album of the Year, Pop Album of the Year, at Female Artist of the Year para sa kanyang album na ‘Chasing the Light,’ at Music Video of the Year para sa kanyang music video na “Naririnig Mo Ba.”

Nominado si James Wright sa kategoryang Song of the Year at Male Artist of the Year. Samantala, tatlo naman ang nakuhang nominasyon ni Kian Dionisio - New Male Recording Artist of the Year, Acoustic Album of the Year at Acoustic Artist of the Year.

Si Natalia Moon ay nominado bilang New Female Recording Artist of the Year, habang ang The Hybrid Project ay nominado para sa kategoryang Rap Album of the Year at Rap Artist of the Year. Nakatanggap din ng nominasyon ang ‘Mga Awit mula sa Puso vol. 7’ bilang Compilation Album of the Year.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->