EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, isusuot ang regalong boots ni Marian Rivera sa kanyang concert | GMANetwork.com - Records - Articles

Ni-request daw ni Marian Rivera kay Kyline Alcantara na isuot niya ang ibinigay ng Kapuso Primetime Queen na boots sa kanyang 'Kyline Take Flight' concert sa September 8.

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, isusuot ang regalong boots ni Marian Rivera sa kanyang concert

By BEA RODRIGUEZ

 

Someone’s fangirling????

Isang post na ibinahagi ni Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) noong

 

Kilig to the bones ang aminadong biggest fan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na si Kyline Alcantara. Ang idolo ng young actress, niregaluhan siya ng boots!

Ayon sa actress-singer, iniregalo iyon ni Yan-Yan para sa kanyang upcoming concert na Kyline Take Flight concert na gaganapin sa September 8 sa SM Skydome.

“Yes, ni-request niya iyon sa akin na isuot ko raw iyon sa concert ko. Sabi ko, isusuot ko talaga ito sa concert ko. Actually, prinaktis ko na siya sa kuwarto ko [at] sumayaw na ako sa kuwarto ko [gamit ang boots],” kuwento ng aktres sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Big deal daw iyon para kay Kyline dahil regalo iyon ng kanyang idolo para sa kanyang nalalapit na dream concert, “Grabe isang Marian Rivera, binigyan ako ng boots. Idol ko po si Ms. Marian ever since, like sa kanya talaga ako unang-una na-starstruck kasi talent ako ng Darna before.”

Hindi naman akalain ng 15-year-old performer na magiging mainit ang pagtanggap sa kanya ng Primetime Queen.

“When I first met her po sa Sunday PinaSaya, akala ko i-isnabin [ako ng] isang Marian Rivera or ‘di niya ako papansinin sa dami ba naman ng mga tao na nakapaligid sa kanya. Nagulat ako, iba ‘yung lapit niya sa akin, sabi niya, ‘Kilala kita!’ Kinilig ako tapos iyon na nga po, lagi niya akong ini-invite na makiupo sa kanya [kapag] nagbe-break kami,” kuwento ni Kyline.

“Ilang beses ko na po ‘ata siyang in-invite. Hindi pa siya nag-Yes pero ilang beses na siya nagtatanong about sa concert ko, like every time magkakasalubong kami,” pagtatapos ni Kyline.