READ: Kyline Alcantara, umaming naluha nang mapanood kumanta si Regine Velasquez | GMANetwork.com - Records - Articles

Isang taos-pusong mensahe ang isinulat ni Kyline Alcantara para sa kanyang iniidolong si Regine Velasquez-Alcasid.

READ: Kyline Alcantara, umaming naluha nang mapanood kumanta si Regine Velasquez

By CHERRY SUN

Isang taos-pusong mensahe ang isinulat ni Kyline Alcantara para sa kanyang iniidolong si Regine Velasquez-Alcasid.

Nakita at nakasalamuha ni Kyline ang Asia’s Songbird, at hindi niya pinaglagpas ang pagkakataon na magpa-picture kasama ito.

Sambit niya, “It’s every aspiring singer’s dream to meet you and have a photo with you, and I am so happy to have one.”

Patuloy rin niya, “Isa po kayo sa mga taong naging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang pagkanta and I am so happy na napanood ko po kayo kumanta nang malapitan (sobrang kinilig po ako. Naluha nga po ako eh). Thank you po sa inspirasyon at sa suporta sa aming mga nangangarap na maging kagaya po ninyo.”

WATCH: Kyline Alcantara, nag-pictorial para sa kanyang concert album