EXCLUSIVE: Concert director GB Sampedro on Alden Richards: 'Hindi lumalaki 'yung ulo' | GMANetwork.com - Records - Articles

Isa si Alden Richards sa paboritong katrabaho ng concert director na si GB Sampedro. Bakit kaya?

EXCLUSIVE: Concert director GB Sampedro on Alden Richards: "Hindi lumalaki 'yung ulo"

By CHERRY SUN

Isa si Alden Richards sa paboritong katrabaho ng concert director na si GB Sampedro. Sambit kasi nito, walang bahid ng kasikatan ang Pambansang Bae kapag nakakasama niya.

Sa exclusive interview ni Direk GB sa GMANetwork.com, puro papuri lang ang nasabi niya tungkol kay Alden. Muling katrabaho ng direktor ang Kapuso actor-singer para sa second major concert nitong ‘Adrenaline Rush, at simula sa unang concert nitong ‘Upsurge’ ay wala raw pinagbago sa ugali ang Pambansang Bae.

Aniya, “Si Alden kasi is a very good-hearted person na ang sarap-sarap katrabaho. Napaka-humble, napakabait, and hindi mo mararamdaman na superstar ‘yung status niya.”

Inilarawan din niya ang work ethics ni Alden. Pahayag niya,“Para sa akin, it’s the same Alden pa rin na nakatrabaho ko noon. Kung gaano siya ka-accommodating, kung gaano siya ka-hands-on in terms of ‘yung mga numbers, sa concept. Nakiki-collaborate siya sa amin sa bawat gagawin niya. It’s the same Alden na napaka-passionate sa trabaho. Binibigyan niya ng time para mag-meet kami or kapag sobrang busy ‘yung schedule namin, hindi kami magkatagpo, nagtatawagan kami niyan.”

Hangang-hanga si Direk GB kay Alden, at talagang bukod-tangi raw ito sa ibang celebrities na kanyang nakatrabaho.

Wika niya, “Mahirap makahanap ng katrabaho na sikat na napakabait. Bibihira ‘yang mga taong hindi lumalaki ang ulo. ‘Yung passion and dedication niya, ‘yun ang gustong-gusto ko every time na nakakatrabaho ko siya.”