WATCH: Alden Richards, may inihandang sorpresa para sa fans sa upcoming concert | GMANetwork.com - Records - Articles

Maagang pamasko para sa fans ni Pambansang Bae Alden Richards ang kaniyang concert na “Adrenaline Rush” na gaganapin sa September 21.

WATCH: Alden Richards, may inihandang sorpresa para sa fans sa upcoming concert

By BIANCA GELI

Maagang pamasko para sa fans ni Pambansang Bae Alden Richards ang kaniyang concert na “Adrenaline Rush.”

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ikinuwento ni Alden na hindi biro ang pagsabayin ang preparasyon dito at pagte-taping sa Victor Magtanggol at iba pang commitments.

Kung sa dati niyang concert na “Upsurge” ay water elements ang tema, sa “Adrenaline Rush” naman ay sa himpapawid naman tayo dadalhin ni Alden.

“Para ‘di masabing nakita na nila yan, we’re gonna do something different. Medyo may air element naman siya. So expect suspension, mga hanging.”

Kailangan din daw abangan ang “Until I See You Again” album ni Pambansang Bae na may tamang timpla ng revivals, inspirational songs at original tunes.

“Whenever I do naman kasi mga bagay na ganito, I see to it na I offer it to the people who support me all the time. Kasi sila naman ‘yung nagiging motivation ko to do concerts, to perform, to create albums.”

Mapapanood ang “Adrenaline Rush” sa KIA Theatre ngayong September 21.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras: