GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Mga magsasaka sa San Jorge, Samar na apektado ng tagtuyot; hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

May 16, 2024
Kapusong Totoo

Kung kailan pa naman Farmer's and Fishermen's Month, saka pa raw hirap at hindi makapagtanim ang mga magsasaka dahil sa matinding init. Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan, ilang magsasaka sa Samar naman ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Libreng papsmear at breast exam, hatid ng GMAKF sa mga gumagawa ng kiping para sa Pahiyas ng Quezon | 24 Oras

May 15, 2024
Kapusong Totoo

Kasunod ng Mother's Day kahapon, Pahiyas naman ang sunod na gugunitain sa Lucban, Quezon. Ang mga nanay roon na gumagawa ng mga pandekorasyon sa pista para may dagdag panggastos ang pamilya, hinandugan ng regalo ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


Libreng papsmear, breast exam atbp., handog ng GMA Kapuso Foundation para sa selebrasyon ng Mother's Day | 24 Oras

May 11, 2024
Kapusong Totoo

Nakilala namin sa City of Gentle People o bayan ng Dumaguete, ang 2 nanay na nagsusumikap para maitaguyod ang kanilang mga anak. Saludo po ang GMA Kapuso Foundation sa mga ilaw ng tahanan gaya ninyo para sa inyong hindi matatawarang pagmamahal at suporta. Heto ang munti naming handog bilang pagpapasalamat advanced Happy Mother’s Day po! Read more


Grocery packs at hygiene kits, ipinamahaging ng GMA Kapuso Foundation sa mga taga- Itogon, Benguet | 24 Oras

May 9, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa kabi-kabilang forest fire apektado na ang kabuhayan ng ilang residente sa Benguet. Doon naghatid ng tulong ang inyong GMA Kapuso Foundation. Read more


Mga magsasaka sa Benguet na apektado ng El Niño, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

May 6, 2024
Kapusong Totoo

Mga sariwang gulay sana ang aanihin ng mga magsasaka sa Benguet ngunit dahil sa tindi ng init at kakulangan sa tubig hindi na mapakinabangan ang ilan sa kanilang pananim. Ito ang kalbaryong kinakaharap ng mga magsasaka na hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Operation Bayanihan Project. Read more


Mahigit 100 ina sa San Simon, Pampanga, may advanced mother's day gift mula sa GMAKF | 24 Oras

May 4, 2024
Kapusong Totoo

Talaga namang super nanay ang ilang nakilala namin sa San Simon, Pampanga na tuloy ang kayod para sa pamilya. Kaya ngayong papalapit na ang mother's day, may regalo sa kanila ang GMA Kapuso Foundation. Read more


Ilang manggagawa, hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng grocery, atbp. ngayong Labor Day | 24 Oras

May 2, 2024
Kapusong Totoo

Kaisa po tayo sa pagpupugay sa ating mga manggagawa ngayong Mayo a-uno. Bilang pasasalamat lalo sa mga halos buong araw na laman ng kalsada... sila naman ang sinorpresa ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Batang may braso at kamay sa likod, na-operahan na sa tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 30, 2024
Kapusong Totoo

Sa kabila ng masayahing personalidad, may kakambal na kalbaryong kinakaharap ang batang itinampok namin noong Enero. Matapos dumulog sa GMA Kapuso Foundation, matagumpay nang napaoperahan ang bata sa tulong ng aming mga partner doctor. Read more


Mag-amang may bukol sa leeg, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 27, 2024
Kapusong Totoo

Ngayong Head and Neck Consciousness Week, nakilala namin ang isang ama sa Sariaya, Quezon na nangangambang mawala ang kanyang boses. May iniinda kasi siyang kondisyon na tila nakuha rin ng isa sa kaniyang anak. Ipinasuri sila ng GMA Kapuso Foundation. Read more


4,000 residente, nakatanggap ng food packs at hygiene kit mula sa GMAKF | 24 Oras

Apr 25, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa matinding init, bumababa na rin ang produksyon ng walis tambo sa Mansalay, Oriental Mindoro na kabuhayan ng ilang residente roon. Sila naman ang nakatanggap ng tulong sa "Operation Bayanihan" ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Mga apektado ng el niño sa Bulalacao, Or. Mindoro, hinatiran ng foodpacks at hygiene kit ng GMAKF | 24 Oras

Apr 23, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa mga nasirang pananim dulot ng tagtuyot, problema ngayon ng mga katutubong Hanunuo Mangyan sa Bulalacao, Oriental Mindoro ang pagkukunan ng pang laman-tiyan. Read more


Batang may malaking bukol sa pisngi, kailangan ng tulong sa gamutan | 24 Oras

Apr 20, 2024
Kapusong Totoo

Sa murang edad, mabigat na pasanin na ang dala-dala ng isang batang aming nakilala mula Cagayan. May lumalaking bukol kasi sa kanyang pisngi, kaya idinulog ng ina sa GMA Kapuso Foundation. Read more


Serbisyong medikal sa Sta. Marcela, Apayao, hatid ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 18, 2024
Kapusong Totoo

Masaya po naming ibinabalita na muli po tayong nakapagsagawa ng medical mission sa Santa Marcela, Apayao. Kabilang sa natulungan ng Kalusugan Karavan, ang isang amang kahit naapektuhan ng polio pero tumutulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit. Read more


Libreng medical at dental mission, hatid ng GMA Kapuso Foundation sa Sta. Marcela, Apayao | 24 Oras

Apr 16, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa kakulangan ng kita, hindi pa rin napagtutuunan ng pansin ng marami ang kanilang kalusugan. Kaya naman merong Kalusugan Karavan ang GMA Kapuso Foundation sa malalayong lugar tulad sa Santa Marcela sa Apayao. Read more


Ilang magsasaka, kabilang sa mahigit 30,000 na tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 13, 2024
Kapusong Totoo

Batid ng GMA Kapuso Foundation ang mabigat na kalbaryong kinakaharap ngayon ng mga magsasaka dahil sa El Niño. Kaya naman agad tayong naghatid ng tulong sa 6 na probinsya sa bansa na matinding naapektuhan nito. Ilan lang sila sa mahigit 30,000 ating naabot. Read more

advertisement


Lalaking may "paranoid schizoprenia," maayos na ang lagay matapos ipasuri at ipagamot ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 11, 2024
Kapusong Totoo

Sa loob ng limang taon, sa maliit na kwarto lang umiikot ang mundo ng isang lalaking inilapit ng isang good samaritan sa GMA Kapuso Foundation. Matapos ang tatlong buwang gamutan, kumusta na kaya siya ngayon? Read more


GMA Kapuso Foundation, nagpapatayo ng Kapuso Classroom sa Mankayan, Benguet | 24 Oras

Apr 9, 2024
Kapusong Totoo

Lubhang naapektuhan ang mga magsasaka sa Benguet nang humagupit ang Bagyong Egay noong Hulyo nakaraang taon. Bilang tulong lalo sa kanilang mga anak, nagpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng mga Kapuso Classrooms sa bayan ng Mankayan. Read more


Mga magsasakang apektado ng tag-init sa Antique, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 6, 2024
Kapusong Totoo

Tuloy-tuloy ang paghatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga lubhang apektado ng El Niño. Ang atin namang tinulungan, mga magsasaka sa Tobias Fornier, Antique. Read more


Lalaking nagturok ng petroleum jelly sa ari, pinaoperahan ng GMA Kapuso Foundation

Apr 4, 2024
GMA Kapuso Foundation

Napaoperahan na ng GMA Kapuso Foundation ang isang lalaking naimpeksiyon ang ari matapos magturok ng petroleum jelly dito. Read more


Ilang magsasakang apektado ng tag-init sa Iloilo, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Apr 4, 2024
Kapusong Totoo

Kung sino pang nagsasaka, sila pang hirap na maghain ng pagkain sa kanilang hapag... lalo ngayong may El Niño. Ang ilan sa kanila sa Iloilo, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation. Read more