Hindi rin pinalagpas ng bagyong Odette ang ilang pasilidad na dapat sana'y magsisilbing kanlungan ng mga residente sa isla ng Siargao. Pati kasi ang kanilang evacuation center, nasira! Kabilang sila sa libu-libong nahatiran ng tulong sa nagpapatuloy na 'Operation Bayanihan' ng GMA Kapuso Foundation.
advertisement
advertisement
12 taon na ang nakalipas nang maantig tayo sa kuwento ng magkakapatid na pare-parehong may kakaibang kundisyon sa mata. Sa tulong nang ating volunteer doctors, na-operahan sina Roildan at Rayven. Pero ang bunso nilang kapatid na si Kim, sinisipat-sipat pa rin ang kaunting liwanag na nakikita. Read more
Nakalikom ang GMA Kapuso Foundation ng 1,705 blood bags sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project na idinaos noong February 26. Read more
Mga Kapuso, matagumpay po tayong nakalikom ng 1,705 blood bags sa isinagawang'Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project' ng GMA Kapuso Foundation, katuwang ang Phiilippine Red Cross sa Ever Commonwealth kahapon. Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa kahit na ang iba ay nanggaling pa sa malalayong lugar. Pati na rin sa partners, sponsors, volunteers at entertainers. Tunay po kayong mga bayaning Kapuso! Read more
Narito ang ilang paalala para bago mag-donate ng dugo sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation ngayong February 26. Read more
Mga Kapuso, alam niyo ba na ang pagdo-donate ng dugo, hindi lang nakakabuti sa sirkulasyon nito sa katawan? Nakakatulong din kasi ito para mapababa ang tsansa ng pagkakaroon ng heart disease. At sa nalalapit nating bloodletting activity, may mga paalala tayo para sa mga makiki-isa. Read more
Mga Kapuso, alam niyo bang ang pagdodonate ng isang bag ng dugo ay kayang makasagip ng hanggang tatlong buhay? Ayon po 'yan sa World Health Organization. At patunay riyan ang isang batang apat na taong nakipagbuno sa leukemia na tinulungan ng GMA Kapuso Foundation. Read more
Kinumusta ng GMA Kapuso Foundation ang isang batang ipinagamot nito noong 2014 dahil sa malaking bukol sa leeg. Read more
Taong 2014 nang maantig tayo sa kwento ni Mark, ang batang pinapa-hirapan ng kanyang bukol sa leeg na sinlaki ng melon at may bigat na isang kilo. Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa isang 64-year old na mangangalakal mula sa Quezon City. Read more
Mabibigat na kalakal ang hinahakot araw-araw ng ginang na nakilala namin sa Novaliches, Quezon City. Sa kabila ng edad, tuloy ang pagbabanat-buto niya para sa pamilya. Kaya naman hinatiran siya ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more
Magbabalik ang Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation matapos mahinto ng tatlong taon dahil sa pandemya. Read more
Naghandog ang GMA Kapuso Foundation ng wheelchair para sa isang lalaking may Pott's Disease sa Victoria, Tarlac. Read more
Hindi nasusukat sa tapang at lakas ang pagiging bayani, kundi pati na rin sa pagmamalasakit sa kapwa. Ganyan ang ating mga blood donors na literal na handang mag-alay ng sariling dugo-- para maibahagi sa mga nanga-ngailangang kababayan. Read more
Hindi makatayo at hindi makapaglakad ang isang lalaking may Pott's disease mula sa Tarlac. Pero natuto siyang bumangon at magsikap para mabuhay sa pamamagitan ng pagtitinda. 'Yun nga lang, hirap siya sa pagkilos gamit ang luma niyang wheelchair. kaya lumapit siya sa Kapuso Foundation para humingi ng tulong. Read more
Magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng 50-meter steel hanging bridge sa Mabinay, Negros Oriental. Read more
advertisement
Mahalaga ang matibay na tulay para sa pag-unlad ng komunidad. Sa Mabinay, Negros Oriental, nasira ng kalamidad ang isang tulay na nagpapahirap sa paglalakbay ng mga taga-roon. 'Yan ang gustong tugunan ng GMA Kapuso Foundation na maisasa-katuparan sa pamamagitan ng "Kapuso Tulay para sa Kaunlaran." Read more
Nakapagbigay ng libreng pustiso sa 20 beneficiaries ang Ngiting Kapuso project ng GMA Kapuso Foundation. Read more
Ika nga nila, nakakahawa ang pag-ngiti! Pero para sa ilang may sira ang ngipin, nakakabawas ito ng kumpiyansa sa sarili. Kaya ngayong Pebrero na Oral Health Month, handog natin ang libreng pustiso para muling maibalik ang ngiti sa labi ng ilan nating kababayan. Read more
Naghandog ang GMA Kapuso Foundation ng libreng pustiso para sa mga nangangailangan ngayong Oral Health Month. Read more
Kilala ang mga Pinoy sa pagiging masayahin na kahit na may problema --- nakukuha pa ring ngumiti! Pero paano kung ang pag-ngiti mismo ang problema? Ngayong 'Oral Health Month', libreng pustiso ang handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga nanga-ngailangan sa ilalim ng Ngiting Kapuso Project. Read more