Celebrity Life

Regine Velasquez, ibinahagi ang isa sa mga unang memories nila ni Ogie Alcasid

By ANN CHARMAINE AQUINO

Muling binalikan ni Regine Velasquez ang isa sa mga unang memories nila ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid at ito ay noong panahong magkaibigan pa lamang sila

Sa isang Instagram post, ipinakita ng Sarap Diva host ang composition ng kanyang asawa na itinuring nilang masterpiece.

""Kailangan koy ikaw" this is the original writing of my husband ???? #friendspalangkaminito ????"



Bukod sa composition may maikling mensahe si Ogie para kay Regine.

"My dearest Regine, here is the original writing of our "masterpiece". Take care always my friend."

Ang kantang Kailangan Ko'y Ikaw ay sumikat noong year 2000 at naging official soundtrack ng movie ni Regine at Robin Padilla.

Ngayon, happily-married na ang dalawa at nabiyayaan ng isang cute na anak, si Nathaniel "Nate" James Velasquez Alcasid.  

READ: Anak ni Regine Velasquez-Alcasid na si Nate, crush si Yaya Dub
IN PHOTOS: Regine Velasquez and Ogie Alcasid's sweetest dates