
Matapos ang lock-in taping ng Stories from the Heart: Love on Air, sinorpresa ng aktres na si Sunshine Cruz ang kaniyang fans sa kanyang bagong hairstyle.
Short bob with full bangs ang new look ngayon ni Sunshine na looking young sa edad na 44.
Sa Instagram, ipinost ng aktres ang kanyang bagong hairstyle.
"On to the next one. Thank You for continually blessing me. Always grateful," caption niya.
Sa hiwalay na post, sinabi naman ng aktres na grateful daw siya sa positive changes na nangyayari sa kanya.
"Great things never came from comfort zones. Sometimes, change is good." ani Sunshine.
Approved naman para sa mga kaibigan ni Sunshine sa showbiz ang kanyang new look. Pinusuan nina Donna Cruz, Ruffa Gutierrez, at Jackie Foster ang Instagram posts na ito ng aktres.
Source: sunshinecruz718 (Instagram)
Abangan si Sunshine bilang si Deborah Gutierrez sa third offering ng drama anthology series na Stories from the Heart: Love On Air, kasama sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Kiray Celis, Kate Valdez, at Yasser Marta, malapit na sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang "ageless beauty" photos ni Sunshine: