GMA Logo andrew schimmer
Courtesy: John Andrew Schimmer (Facebook)
Celebrity Life

Andrew Schimmer remembers heart-melting moment with late wife on his birthday

By EJ Chua
Published June 8, 2023 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

andrew schimmer


Inalala ni Andrew Schimmer ang sorpresang ginagawa ng kanyang late wife na si Jho Rovero tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

Sa darating na June 10 ay kaarawan na ng aktor na si Andrew Schimmer.

Ngunit bago sumapit ang isa sa mga espesyal na araw sa kanyang buhay, isang heart-melting post at story ang ibinahagi ni Andrew sa kanyang Facebook page.

Ayon sa aktor, hindi umano siya mahilig mag-celebrate ng kanyang birthday ngunit noong buhay pa raw ang kanyang partner na si Jho Rovero, lagi siyang sinosorpresa ng huli.

Mababasa sa caption ng kanyang post, “Hindi ako mahilig mag-celebrate ng birthday, lagi ko actually nakakalimutan dahil alam mong tatanda ka na naman ng isang taon. Tumanda ka na, gumastos ka pa. But my wife was always there surprising me.”

Dagdag pa niya, “Lagi niya sinasabi sa akin na mag-celebrate ka kaya, minsan ka lang mabubuhay noh. Hindi mo alam kung next year kasama mo pa 'yung mga taong kasama mo ngayon. Those were her words, and remembering it right now breaks me apart…”

Mababasa rin na labis na nalulungkot si Andrew dahil ito raw ang kauna-unahang selebrasyon ng kanyang birthday at father's day na hindi na niya kasama ang kanyang asawa.

Sa huling bahagi ng caption, nagpapasalamat pa rin ang aktor sa sandaling mga panahon na nakasama niya si Jho.

Sa kasalukuyan, mayroong 31,000 reactions ang naturang post ng aktor. Nakatanggap din ng advance birthday greetings si Andrew mula sa kanyang mga kaibigan at sa netizens.

Matatandaang November 2022 nang ma-comatose ang asawa ni Andrew dahil sa severe asthma.

Makalipas ang isang buwan, emosyonal na kinumpirma ng aktor na pumanaw na si Jho.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG TOUCHING TRIBUTES NG CELEBRITIES NA NAMATAYAN NG KAANAK NGAYONG TAON SA GALLERY SA IBABA: