
“Ito ang ating sleeping beauty. Iniwan na niya tayo, mga kapatid.” Sa ganitong paraan ibinalita ng aktor na si Andrew Schimmer ang pamamayapa ng kanyang asawa na si Jorhomy Reiena Rovero o Jho.
Sa isang video post sa kanyang Facebook account ngayon, December 20, ibinahagi ni Andrew ang isang “pinaka malungkot tsaka pinaka worse na balitang pwede niyong marinig” at yun nga ay ang pamamayapa ng asawa niya sa ospital.
Ayon sa aktor, nasa taping siya ng Family Feud nang makatanggap siya ng tawag mula sa St. Luke's Hospital tungkol sa kalagayan ng kanyang asawa.
Sabi raw sa kanya ng mga doctors ni Jho, ay nag desat or desaturate, ang pag baba ng lebel ng oxygen sa dugo nito.
“Nag Desat yung kanyang oxygen saturation, blood pressure and heart rate. Dali-dali naman tayong dumating dito. Inabutan natin siyang actually nire-revive ng mga doctors and nurses. They did everything they could,” sabi niya.
Ang masakit pa para kay Andrew ay birthday daw sana ng bunso nila ngayon na pupunta sana sa ospital, ngunit di na nito naabutan pa ang kanyang mama.
Noong October 11 ay naiuwi na ni Andrew ang asawa mula sa ospital matapos ang halos isang taong pamamalagi dito dahil sa sakit na hypoxemia o ang mababang lebel ng oxygen sa dugo.
Isang linggo matapos niya maiuwi ang asawa ay kinaliangan nito bumalik dahil sa mga komplikasyon. November 17 ng ibahagi ng aktor na gumaganda na raw ang oxygen saturation ng asawa at inihayag ang paniniwalang gagaling na nga ito.
Nagpasalamat din si Andrew sa lahat ng mga nag-dasal para sa kanyang asawa, at sa mga taong hindi siya iniwanan.
Humingi rin siya ng dispensa sa buong management ng Family Feud sa biglaan niyang pag-alis.
“I want to apologize to the whole management of Family Feud. Pasensya na hindi ko talaga natuloy yung kanina dahil kinakailangan ko pong tumakbo dito,” aniya.
DATI NANG GUMANAP SINA MARK HERRAS AT ARRA SAN AGUSTIN BILANG ANDREW AT JHO SA MAGPAKAILANMAN: