GMA Logo Andrew Schimmer and Jho Rovero
Celebrity Life

Andrew Schimmer is at a loss following the death of his wife Jho Rovero: "Hindi ko na alam paano ko 'to dadalhin sa puso ko"

By EJ Chua
Published December 24, 2022 7:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Andrew Schimmer and Jho Rovero


Andrew Schimmer, may makabagbag-damdaming mensahe para sa pumanaw na asawa na si Jho Rovero.

Isang makabagbag-damdaming mensahe at video ang makikita sa Facebook account ng aktor na si Andrew Schimmer.

Matapos pumanaw ang kaniyang asawa na si Jho Rovero, ilang mensahe ang gusto niyang ipaabot dito at pinadadaan na lamang niya ang mga ito sa kaniyang mga post sa social media.

Sa kaniyang pinakabagong Facebook post, mapapapanood ang video kaniyang asawa noong nasa ospital pa ito.

Kakabit ng throwback video ay ang nakakaiyak na caption ni Andrew, “I miss you my love… [broken heart emojis]. Hindi ko na alam kung paano ko 'to dadalhin sa puso ko. You are my life [cry emoji] … If this is a dream, wake me up! I'm dying. Uwi ka na po mami please. I will wait. I will always wait [cry emojis].”

Patuloy namang bumubuhos ang pakikiramay ng netizens sa pamilya ng aktor.

Buwan ng Oktubre ngayong taon nang ibahagi ni Andrew ang paglabas ni Jhoromy sa ospital matapos ang halos isang taon na pagkakaratay nito.

Ngunit pitong araw pa lamang ang nakalilipas, kinailangan itong maibalik sa ospital dahil nakaranas ito ng pamamanas sa kaniyang katawan.

Napag-alaman na Nobyembre noong nakaraang taon nang ma-comatose si Jho dahil sa severe asthma.

December 20, 2022 ng hapon, emosyonal na kinumpirma ni Andrew Schimmer na pumanaw na ang kaniyang asawa.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG TOUCHING TRIBUTES NG CELEBRITIES NA NAMATAYAN NG KAANAK NGAYONG TAON SA GALLERY SA IBABA: