Celebrity Life

Juancho Trivino at Kiel Rodriguez, inalala ang kanilang favorite dad moments

By Kristian Eric Javier

Reunited ang Maria Clara at Ibarra actors na sina Juancho Trivino at Kiel Rodriguez para sa Father's Day kahapon, June 18. Bilang selebrasyon, inalala ng dating sina Padre Salvi at Renato ang special moments nila sa pagiging mga tatay nila.

Para sa nasabing okasyon, nag-post ng special video si Juancho, kung saan makikita na nag-bonding silang dalawa ni Kiel sa Bonifacio Global City sa Taguig.

"Batman and Robin are back! At dahil pinayagan kami mag gala gala ngayong Father's day iikot ko ang aking co-tatay na si @kielrodriguez around Forbes Town habang kami ay nag rereminisce ng moments of being a Dad," sabi ni Juanch sa kanyang Instagram Reel.

Sa video, tinanong ni Juancho si Kiel tungkol sa pinakapaborito niyang dad moment. Ang sagot ng huli, “'Yung first time nila sabihin 'yung 'daddy.' Sarap sa feeling kaya nun.”

Para naman kay Juancho, ito ay nang iwan nila ng asawa niyang si Joyce Pring ang anak nilang si Eliam sa lolo nito.

Pag-alala ng aktor, “Nakita ko 'yung rear view mirror, hinahabol niya kami. Most memorable sa'kin 'yun.”

Napagkuwentuhan din ng dalawang aktor kung paano nila natanggap ang kanilang pagiging tatay.

Para kay Kiel, nalalaman niya ito sa paglaki ng anak niya at sa pagdami ng mga responsibilidad niya.

Ayon naman kay Juancho, ito ay noong narinig niya ang first words ni Eliam at nang tawagin siya nitong 'dadda.'

Dagdag pa ng aktor, “Mahabang process siya realizing and accepting and being joyful dun sa responsibilidad na ibinigay sa'kin.”

Sa huli ay pinag-usapan nila ang legacy na gusto nilang iwan sa mga anak nila.

Para kay Kiel, gusto niyang turuan ang mga anak niyang rumespeto at makisama sa mga tao.

Para naman kay Juancho, gusto niyang madala ng mga anak niya ang mga experience at values na nakukuha nila sa kanya.

Isinilang ang ikalawang anak nina Juancho at Joyce na si Agnes noong Abril. Sa interview ng una sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin niyang masaya siya maging father of two sa edad niyang 30.

“Just thinking about it, like that nowadays ah sa climate ng mga gustong mag-anak at mga nag-aasawa ngayon, that's relatively early. Kaya parang amazing para sa akin, kasi iyon 'yung gusto namin,” sabi nito.

SAMANTALA, TINGNAN KUNG PAANO IPINAKITA NG ILANG CELEBRITIES ANG PAGMAMAHAL NILA SA KANILANG MGA TATAY AT ASAWA: