
Tila naging emosyonal ang StarStruck alumna na si Nadine Samonte matapos nito ipaalam na nabenta na ang una niyang bahay sa Sta. Rosa Laguna.
Burado na ang naturang post ni Nadine sa Instagram tungkol sa binebenta niyang property, pero sinabi niya kailangan na niya i-let go ang naturang bahay.
"This is my first house and now I'm selling it na for a low price kasi wala ng nakatira," saad ng aktres.
Nagbigay naman ng update kahapon, October 12 ang Kapuso actress sa Instagram Story para ipaalam sa kaniyang followers na may nakabili ng bahay.
THE LIFE OF NADINE SAMONTE OUTSIDE SHOWBIZ:
Kalakip ng larawan ng bahay na ishinare niya sa Instagram Story ang caption na, “Thank you for the wonderful memories.”
Source: nadinesamonte (IG)
Samantala, isa si Nadine Samonte sa mga bituin na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center para sa big event na Signed for Stardom noong September 22.
Ayon sa The Missing Husband star na may nakuha siyang “sign” na nagpa-'oo' sa kaniya na bumalik sa GMA-7.
“Actually, after my third child sabi ko it's my time to shine again. So, parang 'yun 'yung time na nung nag-guesting na ako.
“Sabi ko, this is it! Ito na talaga”, ani Nadine, “I know for sure nung nagkita uli kami ni Mam Annette sa isang event, sabi ko, 'I think this is the sign'.”
“I would like to say thank you, Mam Annette, Miss Joy, and Sparkle team. And GMA for giving me this opportunity again na makabalik uli ako.”