Celebrity Life

Herlene Budol, sa sementeryo nag-Valentine's Day

By Marah Ruiz

Isang espesyal na tao ang binisita ni comedienne at Black Rider star Herlene Budol nitong nakaraang Valentine's Day.

Ipinagdiwang ni Herlene ang Araw ng mga Puso sa isang sementeryo kasi para makasama ang kanyang yumaong Lola Bireng.

Si Lola Bireng o Virginia Budol ang lola na nagpalaki kay Herlene. Sumakablang-buhay ito noong June 6, 2022.

Kasama ni Herlene na bumisita sa puntod ng kanyang lola ang ilan sa kanyang mga kamag-anak, pati na ang kanyang Lolo Oreng.

Naging emosyonal pa ang lolo ni Herlene na si Lolo Oreng nang hingan niya ito ng mensahe para sa yumaong asawa.

"Nanay, magkakapiling din tayo, Nanay," pahayag nito.

"Ito naman, si kapiling naman kagad. Paano ako? Kami nga 'yung ka-Valentine's mo. 'Di ba 'Nay? Happy Valentine's, Nanay," sagot naman ni Herlene.


Samantala, naghahanda na si Herlene para ibahagi ang music video ng kanyang upcoming single niyang "Kain Tayo."


Bahagi rin si Herlene ng hit full action series na Black Rider kung saan gumaganap siya bilang manikuristang si Pretty.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Sa ika-15 linggo ng serye, nagkukunwari si Pretty bilang asawa ng delivery rider na si Oka (Empoy Marquez) para matulungan ito sa sitwasyon ng kanyang pamilya sa probinsiya.

Maho-hostage naman sina Elias (Ruru Madrid) at Bane (Yassi Pressman) kasama si Mayor Alfonso (Legaspi) habang paakyat ng Baguio. Paano sila makakaligtas dito?

Kapit lang sa patuloy na pagharurot ng bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.