Celebrity Life

Rita Daniela, naka-focus muna sa anak na si Uno

By EJ Chua
Published November 15, 2024 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops to increase presence in transport hubs amid New Year exodus
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela and Uno


Sa kabila ng pinagdadaanan niya ngayon, inuuna pa rin ni Rita Daniela ang kaniyang pagiging ina.

Abala muna ngayon sa pagiging hands-on mom ang singer-actress na si Rita Daniela, ito'y matapos niyang sampahan ng reklamong act of lasciviousness si Archie Alemania.

Sa Chika Minute report sa 24 Oras na ipinalabas nitong November 14, inilahad ni Rita na naka-focus muna siya ngayon sa kaniyang anak na si Uno.

“I cannot believe that I have a son that is turning two years old. Sobrang surreal siya for me,” pahayag ng celebrity mom.

Ayon pa sa kaniya, “challenging but fulfilling” para sa kaniya ang pagiging isang ina.

Related Gallery: Rita Daniela's son Uno celebrates first birthday

Sa naturang report, sinabi rin niya na pinipili niyang maging matatag sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa kaniyang buhay.

Si Rita ay kabilang sa cast ng murder mystery drama na Widows' War at kadalasang napapanood bilang guest sa It's Showtime.

Kilala siya ng mga manonood sa hit series bilang si Rebecca, isa sa mga miyembro ng pamilya Palacios.

Napapanood ang murder mystery drama na Widows' War Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.