Tuloy tuloy ang pagbabahagi ni Assunta De Rossi ng kanyang pregnancy journey sa kanyang miracle baby.
Last May, ibinahagi ni Assunta na ipinagbubuntis niya ang kanilang anak ni Jules Ledesma. Ayon sa kanyang post, ito ay itinuturing niyang miracle dahil sa estado ng kanyang kalusugan.
Saad ni Assunta, "Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!"
Ayon kay Assunta, tinawag nila ang kanilang anak na Fiore, ang Italian word for flower.
Silipin ang pregnancy journey ni Assunta sa gallery na ito.
Noong May 5, nag-post si Assunta De Rossi ng kanyang pregnancy announcement sa kanyang Instagram account. Ayon sa dating aktres, nagpa-check siya noong March 5 sa OB-GYN at doon niya nalaman nakumpirma ang kanyang pagbubuntis.
Kuwento ni Assunta, "I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!️"
Ipinakita ni Assunta ang kanyang estado sa kanyang 4th month ng pagbubuntis.
Nag-test umano ni Assunta kung marunong pa siya mag-drive pagkatapos ng higit na 80 days na pananatili sa kanyang bahay.
Ang new look ni Assunta ay dahil umano sa kanyang hingal na nararamdaman. Saad niya sa kanyang post, "Dahil grabe akong hingalin kapag nagsa-shampoo."
Nitong June, ipinakita ni Assunta ang kanyang 5th month ng pagbubuntis. Kuwento niya sa kanyang post, "Hotel California naman ngayon. What a playlist. #5monthspregnant #MiracleBaby"
Ipinakita ni Assunta ang kanyang ultrasound at nagpapahayag siya ng kanyang pagaalala sa kanyang anak.
"I'm feeling a bit emotional because the last time I had a scan, the baby was as small as a jellybean, if not smaller. It's the fear of not knowing. But I survived my 1st and 2nd trimester during a pandemic and lockdown without any complications! Cheers! #5monthspregnant #MiracleBaby"
Nitong July, nagkita sina Assunta at kanyang kapatid na si Alessandra De Rossi.
"Maraming salamat sa mahigit 2 oras na chikahan. Yung baby, ang likot-likot! Sabi siguro, “Sino 'tong kuda nang kuda?”. 🤣🤣🤣 @msderossi"
Tinawag ni Assunta na Fiore o Italian word ng flower ang kanyang anak. Ayon pa sa kanyang post, sumailalim siya sa congenital anomaly scan nitong August.
Blooming mommy si Assunta sa kanyang zoom interview.
Ibinahagi naman ni Assunta na nahihirapan siyang matulog dahil sa kanyang pagbubuntis.
Sa kanyang ika-pitong buwan ng pagbubuntis, ipinakita ni Assunta ang painting na gusto niyang gayahin.
"I was gonna recreate this, but I'm afraid of mamma disowning me. At saka gurang na ako. #7monthspregnant #MiracleBaby"
Ipinakita muli ni Assunta ang kanyang growing baby bump.
Sa kanyang 8th month ng pagbubuntis, ipinasilip ni Assunta ang kanyang checkup at nagbahagi siya ng estado ng kanyang kalusugan.
"Today was check-up day. It's tough to be experiencing shortness of breath, pregnancy rhinitis plus I'm claustrophobic pa. Mabuti at napakabait ni bagets, hindi ako binibigyan ng problema. Ang swerte-swerte ko!!! Everything's good, kaya smile pa rin! Konti na lang... #8monthspregnant #miraclebaby"