IN PHOTOS: Sugar Mercado and her daughters' sweetest moments

Itinampok ang istorya ng dating SexBomb dancer at 'Eat Bulaga' dabarkads na si Sugar Mercado sa GMA documentary show na 'Tunay Na Buhay' noong 2017.
Ipinakilala niya rito ang kaniyang dalawang anak na babae na sina Gabrielle at Olivia.
Sa kabila ng pagiging single mom, kapansin-pansin na masaya at kuntento si Sugar sa kaniyang kasalukuyang buhay kasama ang kaniyang mga anak.



















