advertisement
Celebrity Life

Kilalanin ang mga anak ng artistang gumulat sa publiko

1 of 12

Joaquin Achilles 

Si Joaquin Achilles ay ang panganay na anak ng aktres at ngayon ay mother of three na si Diana Zubiri.

2 of 12

Diana Zubiri's first child 

Anak ni Diana Zubiri si Joaquin sa kanyang yumaong unang asawa na si Alex Lopez. Sa isang report, itinanggi ni Diana na itinago niya noon si Joaquin, bagkus ay ipinagpaliban niya lamang muna ang pagpapakita sa anak sa publiko habang hindi pa naooperahan ang lip and cleft palate nito noon.

3 of 12

Maurie Obligacion 

Si Maurie Obligacion ay ang unang anak ng sexy actress and model na si Aubrey Miles.

advertisement
4 of 12

Aubrey Miles' first child 

Naging bukas naman si Aubrey Miles sa publiko nang lumaki na ang anak na si Maurie Obligacion. Si Maurie ay anak ni Aubrey sa kaniyang ex-partner na si JP Obligacion.

5 of 12

Emmanuel Bacosa

Si Emmanuel Bacosa ay isa sa mga batang boksingero sa bansa na sinasabing anak rin umano ng Filipino boxing champion na si Manny Pacquiao.

6 of 12

Manny Pacquiao's alleged son

Lumutang ang pangalan ni Emmanuel Bacosa nang maging aktibo ito sa isang boxing match na pinangungunahan ni Manny Pacquiao. Si Emmanuel ay anak ni Joanna Rose Bacosa, ang babaeng humihiling noon ng child support kay Manny taong 2006 at 2011.

advertisement
7 of 12

Quark Henares 

Ang film director at producer na si Quark Henares ay anak ng celebrity dermatologist na si Vicki Belo sa kaniyang ex-partner na si Atom Henares.

8 of 12

Cristalle Belo 

Si Cristalle Belo ay anak din ni Vicki Belo sa kaniyang ex-partner na si Atom Henares.

9 of 12

Zion Gutierrez

Matatandaan na nasorpresa noon ang publiko nang ianunsiyo nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrrez na proud parents na sila sa kanilang first baby na si Zion.

advertisement
10 of 12

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Naging tikom muna ang bibig nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noon tungkol sa kanilang first baby na si Zion, bago nila ito unti-unting ipinakilala sa publiko.

11 of 12

Gaile Francesca

Si Gaile Francesca ay ang anak ni Abegail Rait, ang babaeng lumantad na naging karelasyon noon ng yumaong OPM icon na si Francis Magalona.

12 of 12

Francis Magalona's alleged daughter

Ayon kay Abegail Rait, si Gaile ay ang bunga umano ng naging relasyon nila noon ni Francis Magalona.

advertisement