Celebrity Life

WATCH: Paano lambingin ni Baby Zia sina Dingdong Dantes at Marian Rivera?

By CHERRY SUN

Wala pang dalawang taon ngunit kakikitaan na ng galing at talino ang unica hija nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Baby Zia.

Sa panayam ni Marian sa Sarap Diva, ikinuwento ng Kapuso Primetime Queen na nilulubos niya ang panahon na bata pa ang kanilang anak.

Ani Marian, “Sabi ko, ‘Ay, kailangan terno kami.’ ‘Yung asawa ko nga sabi ko, ‘Minsan tumerno ka naman.’”

“Ang cute kasi. Ang dami kasing mga kaibigan ko nagsasabi, ‘Nako Yan, namnamin mo na pumapayag ‘yun. Kasi minsan pag nagiging dalaga na ‘yan, lumalaki, ayaw na niyan ng terno, ng twinning. Sabi ko, ‘Ganun ba? Naku, nanamnamin ko na.’ Ayan tuloy, nanamnam ko. Ang dami tuloy,” patuloy niya.

Proud ang first-time mom sa progress ni Baby Zia. Sa laro raw niya idinadaan ang pagtuturo sa kanyang anak. Tumutugtog din ang celebrity baby ng piano na kanyang minana mula sa lolo ni Dingdong.

Ngunit maliban sa lahat ng ito, pinakanaaaliw daw si Marian sa panlalambing ni Baby Zia sa kanilang mag-asawa.

Bahagi niya, “Alam mo, napakagaling. Kapag meron siyang gusto, ‘Mama.’ Hinahalikan, tapos hug ka niya. Sabihin mo, ‘Ano’ng gusto mo?’ ‘There, there, there!’ ‘Alin, alin?’ Kunwari ako pa, ‘Alin, alin?’ Iki-kiss niya ulit ako. So may ganun siya ngayon. Alam niya talaga kung paano kami amuhin ni Dong eh.”

 

MORE ON THE DANTES FAMILY:

IN PHOTOS: Marian Rivera and Baby Zia in their twinning moments

LOOK: Baby Zia meets Scarlet Snow

WATCH: Marian Rivera, nagbigay ng update sa pagbabalik Primetime