Celebrity Life

LOOK: Paolo Ballesteros, sinurpresa ng anak na si Keira pagdating sa U.S.

By OWEN ALCARAZ

Isang napakagandang sorpresa ang dinatnan ni dabarkad Paolo Ballesteros sa pagtapak ng kanyang mga paa sa Los Angeles International Airport (LAX) sapagkat sinalubong siya ng anak na si Keira.


Kasalukuyang nasa Amerika ang aktor bilang parte ng unang AlDub concert doon na may pamagat na "KS sa US".

Bukod kina Alden Richards at Maine Mendoza, kasama din ni Paolo sina Wally Bayola at Jose Manalo.  Ang nasabing concert ay magaganap sa April 9 (U.S. time) sa Pasadena Civic Auditorium sa California at sa April 12 sa King's Theatre sa New York.

MORE ON PAOLO BALLESTEROS:

WATCH: Gaano kalaki ang pinapagawang dream home ni Paolo Ballesteros sa Antipolo?

International award-winning actor Paolo Ballesteros inks contract with Regal

Paolo Ballesteros bags another award for his brilliant performance as Trisha Echeverria in 'Die Beautiful'