Celebrity Life

Gladys Reyes, naniniwala ba sa pagpalo sa mga anak?

By Gia Allana Soriano

Nagbigay ng opinyon si Gladys Reyes tungkol sa paraan ng pagdidisiplina ng mga anak sa panayam sa kanya ni Rhea Santos para sa Tunay Na Buhay.

Isa sa mga natanong kay Gladys ang tungkol pagpalo ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Para sa Kapuso actress, "Kung kailangan mamalo, mamamalo. Pero 'yung sabi ko nga, dapat mamalo nang may pagmamahal.

“Hindi 'yung kahit saan naman tamaan, hindi puwedeng ganun."

Dagdag pa niya, "Importante, 'yung communication na bakit mo pinalo.

“So, 'pag hupa na ang lahat, may pag-aamo ring na kasama.

“'Tapos, ini-explain mo nang mabuti [kung bakit mo nagawa 'yun]."

Pabirong hirit pa ni Gladys, "Actually, ang hirap magalit sa English."

Mom of four kids si Gladys sa asawa niyang si Christopher Roxas.

Bilang isang misis naman, ang aktres ay isa rin daw "wais na misis."

Naniniwala siya sa "reduce, reuse, recycle," kasama na dito ang mga laruan ng kanyang mga anak.

Aniya, "tinitipid" at unti-unti niyang inilalabas ang mga iniregalong laruan sa mga anak niya at hihintayin niyang "magsawa" ang mga ito bago magbukas ng panibago.

“Itatago rin niya ito pagkatapos upang maari namang gamitin ng mga younger kids niya after a while.”