Celebrity Life

EXCLUSIVE: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, balak na ba sundan si Baby Alas?

By Cherry Sun

Ngayong kasal na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, may plano na nga ba silang magkaroon ng baby number two?

Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Sa exclusive interview ni Kylie sa GMANetwork.com, ibinahagi ng aktres ang kanyang saya sa pag-iisang-dibdib nila ng kanyang longtime partner na si Aljur. Dahil matagal na raw ang kanilang pagsasama, hindi na raw nila naisip na kailangan pa nilang mag-honeymoon. Sambit din niya, wala raw muna silang balak na sundan si Baby Alas.

“Matagal-tagal pa. Gusto ko muna mag-work,” anang Kapuso star.

Ngayong nabawasan na ang kanilang iniisip at inaasikaso matapos ang kanilang kasal, nais daw muna ni Kylie na ituon sa iba ang kanyang oras at atensyon sa trabaho.

Paliwanag niya, “I think na ngayon na tapos na 'yung kasal, okay na kami. I can focus na on my work and where I want my creative side to go. Iba eh, iba 'yung gusto ko marating. Pwede na ako mag-focus doon, so wag muna second baby. Siguro three to five years [from now].”