Celebrity Life

Netizens excited na makita ang baby nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

By Aedrianne Acar

Looking forward na ang mga Kapuso na makita ang first photo ng baby girl ng showbiz couple na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan

Bumuhos ang comment mula sa mga netizen nang may mag-post ang Onanay actress ng photo ni Arthur sa Instagram habang pini-picture-an ang kanilang prinsesa.

Dagsa din ang congratulatory post ng celebrity friends ng Kapuso showbiz couple sa pagdating ng kanilang supling.

Ipinanganak ni Rochelle Pangilinan ang kaniyang baby girl noong Linggo, February 24, sa The Medical City sa Ortigas, Pasig.

Rochelle Pangilinan has given birth to a baby girl!