Celebrity Life

Netizens guess the gender of Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap's first baby

By Jansen Ramos

Excited na ang mga tagahanga ni Rochelle Pangilinan na malaman kung ano ang kasarian ng kanyang first baby sa asawang si Arthur Solinap.

Nagmistulang guessing game ang Instagram post ni Rochelle ngayong Martes, October 23, kung saan ipinasilip niya ang envelope na naglalaman ng resulta ng kanyang ultrasound.

Anang Onanay star, "Nasa envelope na ito ang gender ng baby namin!!! #babygender #baby #thisisit #gender #genderreveal #reveal #perfect #surprise"

Magkahalong "baby boy" at "baby girl" ang opinyon ng netizens patungkol sa gender ni Baby Solinap.

Nagpahiwatig din ng excitement ang celebrity moms na sina Camille Prats at Iya Villania.

Inanunsyo ni Rochelle ang kanyang unang pagbubuntis noong Augsust 27 via Instagram.