LOOK: Rochelle Pangilinan, may pasilip sa baby nila ni Arthur Solinap
Published On: March 02, 2019, 12:50 PM
Updated On: March 02, 2019, 12:59 PM
Pinagbigyan ni Rochelle Pangilinan ang netizens na gustong makita ang picture ng kanilang anak ni Arthur Solinap.
Sa unang post ni Rochelle matapos manganak, bumuhos agad ang comments na nanghihingi ng baby pictures.
Netizens excited na makita ang baby nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap
Sa kanyang sumunod na post, pinasilip na ni Rochelle ang kanilang anak pero naka-side view ito.
"My life," simpleng caption ni Rochelle.
Nanganak si Rochelle noong February 24 sa The Medical City sa Ortigas, Pasig.