
Ang pagpapalaki raw sa kanya ng kanyang ina ang maituturing pinakamahalagang aral na gumagabay ngayon kay Lovely Abella.
Kaya naman, nais din niyang maisabuhay ito para naman sa kanyang sariling anak.
Yumao na ang ina ni Lovely, ngunit nagpapasalamat siya sa pamanang iniwan nito sa kanya.
Ang buong buhay raw nito ang nagsisilbing aral para sa Kapuso actress dahil sa mabuting pag-aalaga ng kanyang ina.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Lovely, "Kung paano niya ako pinalaki, kung ano ako ngayon, kung ano 'yung ginagawa ko sa daughter ko, yun 'yung parang isang way.
“Tinuruan niya ako na laging mag-thank you.
“Kahit na sa simpleng bagay, dapat laging nagpapasalamat.
“Tinuruan niya ako na kahit nasaan ka, lagi ka magdasal.
“Palabas ka lang ng bahay dapat nagdadasal ka para i-guide ka niya or iiwas ka niya sa kapahamakan.
Lahat daw ng mga aral na natutunan ni Lovely mula sa ina ay ibinabahagi niya ngayon sa kanyang anak.
“Marami, e, 'yun 'yung ina-apply ko sa daughter ko.”
EXCLUSIVE: Ano ang mahalagang natutunan ni Boobay mula sa kanyang yumaong ina?
EXCLUSIVE: Tekla, ibinahagi ang mahalagang natutunan mula sa kinikilalang ina