Celebrity Life

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara shares the biggest lesson from Daddy Butch

By Aedrianne Acar

Para sa nalalapit naman Father's Day ngayong Sunday, June 16, ibinahagi din ng talented actress na si Kyline Alcantara ang biggest lesson na natutunan niya sa kanyang Daddy Butch.

Kyline Alcantara

Ayon kay Kyline, binigyan-diin ng kanyang ama ang kahalagahan ng pagtitiwala.

Saad niya, “Kailangan mo matutunan kung sino 'yung dapat mong pagkatiwalaan because sa life naman natin lahat hindi natin talaga alam kung sino 'yung dapat natin pagkatiwalaan, lalo na sa showbiz.”

“But, of course, dapat mo pa rin mag-trust sa isang tao. And ang trust kasi ay isang malaking factor talaga siya sa pagkakaibigan or sa isang relationship.”

Paano naman kaya niya planong i-celebrate ang Father's Day kasama ang ama?

“I have work eh, but maybe I'll date my dad.”

Samantala, kahit effortless si Kyline sa pagho-host ng kanyang bagong online show na Inside StarStruck, aminado pa rin siyang naninibago sa project na ito.

LOOK: Netizens rave over Kyline Alcantara's cute dad

Sabi ng 16-year-old Kapuso talent, kinabahan siya, pero excited sa 'bagong challenge' na ito na ibingay ng kanyang home network.

“Well at first, of course, kinakabahan po ako kasi hindi ko alam [yung gagawin ko].

“Kumbaga, lahat naman ng first time kakapain ko talaga.”

“I'm just really happy na binigyan ako ng pagkakataon and bagong challenge ng GMA,” sabi ng Kapuso teen star sa one-on-one interview sa kanya ng GMANetwork.com sa grand media conference ng reality-based artista search na StarStruck kagabi, June 10.

'StarStruck' season 7 hopefuls, ipapakita ni Kyline Alcantara sa 'Inside StarStruck'