TV

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, may payo sa mga Artista Hopefuls ng 'StarStruck'

By Maine Aquino

Malapit nang mabawasan ang Final 14 at pahirap na rin nang pahirap ang mga challenges na ibinibigay sa Artista Hopefuls ng StarStruck.

Kyline Alcantara

Nitong June 30, ay nagkaroon ng non-elimination sa StarStruck ngunit may twist naman itong second chance challenge. Second chance challenge ay bibigyan muli ng pagkakataon ang mga hindi nakapasok sa Final 14 na patunayan na sila ay nararapat na maging parte ng season 7 ng StarStruck.

'StarStruck' reveals first twist for season 7 | Ep. 6

Nagbigay ng payo ang host ng Inside StarStruck na si Kyline Alcantara sa mga Artista Hopefuls na huwag bumitaw sa pag-abot ng kanilang pangarap.

Kuwento ni Kyline sa GMANetwork.com, "Just do their best and just keep on doing what they're doing."

Dagdag pa ni Kyline ay 'wag silang susuko sa pagpupursige sakali mang matanggal sila sa StarStruck.

"Kung matanggal man sila, it's not the end if they still want to continue their journey sa pagiging artista. Kumbaga 'yung foot mo eh nandun na, so it's their choice na lang."

Dream, believe, and subscribe to StarStruck's YouTube channel para mapanood si Kyline sa Inside StarStruck tuwing Monday to Friday at 6:00 p.m.