Celebrity Life

WATCH: Parenting styles nina Dawn Zulueta at Michael V., ibinahagi sa 'Unang Hirit'

By Cara Emmeline Garcia

Strict but approachable.

Iyan ang parenting styles na ibinahagi ng lead cast ng Family History na sina Michael V. at Dawn Zulueta sa Unang Hirit kahapon, July 15.

Naitanong nina Luane Dy at Mariz Umali sa dalawang aktor kung paano sila magpalaki ng kani-kaniyang mga anak.

Salaysay ni Dawn, “I'm juggling all the time kasi ayaw ko namang maging basta discipilinarian lang. Gusto ko approachable rin naman ako.

“Pero ayaw ko naman na maging masyadong relaxed kasi nawawala naman minsan 'yung respeto.

“So I try to really balance it. I think by doing that tinuturuan mo rin 'yung anak mo how to have a dynamic relationship.”

Paliwanag pa ng aktres na mas naiintindihan niya ang responsibilidad ng pagiging magulang ngayong lumalaki na ang kaniyang dalawang anak na sina Jacobo at Ayisha.

“Napakalaki ng responsibilidad pala talaga siya.

“When you're actually living it, dun mo mari-realize na you cannot take it lightly.

“Lahat talaga ng sinasabi mo, lahat talaga ng kilos mo, kailangan talagang pag-ingatan kasi may epekto lagi sa bata 'yan. Kailangan talaga binabantayan mo 'yung pagpapalaki sa anak mo.”

Hugot line ni Dawn Zulueta sa 'Family History,' tagos sa puso ayon sa netizens

Tila lumalabas naman daw ang “voice of God” ni Bitoy tuwing sumusuway ang kaniyang apat na anak.

“Kapag naririnig na nila 'yung thunderous voice, ibig sabihin seryoso na ako nun,” sambit ng multi-awarded comedian.

“Kailangan ipakita mo sa mga anak mo kung sino ang magulang at saka walang tanggalan ng respeto.”

Pero mayroon bang nakamana ng sense of humor ni Bitoy?

Pabirong sagot nito, “Lahat sila may minanang konti.

“Yung sense of humor ano 'yun common denominator na kasi galing sa amin dalawang mag-asawa 'yun eh!

“Yung iba naman, namana 'yung hilig sa gadgets o sa tech, tapos 'yung magdrowing meron din, music meron din.”


Alamin ang buong kuwento ng Family History na ipapalabas sa mga sinehan simula July 24.

Panoorin ang buong interview nina Michael V. at Dawn Zulueta sa video na ito:

LOOK: 'Family History' star Michael V. draws his leading lady Dawn Zulueta

WATCH: Mic Test Entertainment head Carol Bunagan, inihalintulad si Michael V. kay Jackie Chan