Celebrity Life

LOOK: Katrina Halili, ibinahagi ang naging away nila ni Katie Lawrence

By Dianara Alegre

Tulad ng ibang mommies, malambot din ang puso ni Kapuso actress Katrina Halili sa kanyang anak na si Katie Lawrence, kahit pa may nagawa itong mali sa kanya.

Sa kanyang Instagram post kahapon, November 25, ikinuwento ni Katrina ang naging tampuhan nilang mag-ina.

“Hahahahaha. Sorry natatawa lang ako sa hitsura namin dalawa dito.

“Siyempre hindi lagi sweet kami, minsan nag-aaway kami ni Katie my labs,” sabi ng Prima Donnas star.

Ipinakita rin ni Katrina ang sira-sirang damit ni Katie na tila resulta ng pag-aaway nila.

“Ayan winasak niya 'yung damit niya, tapos ako umiiyak sa taas, kasi ayoko na siya saktan. Naiyak nalang ako sa taas, kinunan ko 'yung sarili ko.

“Maya-maya umakyat na siya nagso-sorry. May magagawa ka ba 'pag nag-sorry na siya? Kakainis. Sobrang cute kasi. Hay anak… Ikaw na, I love you,” sabi ng celebrity mom sa caption ng larawan.


Dagdag pa niya, matapos ang ilang minuto ay nag-sorry rin si Katie sa kanya.

“After niya mag-sorry, nag-explain ako kung bat ko siya pinapagalitan.

“Cute naman at nakikinig kaso nosebleed ako, kasi English. Hahahaha! Hirap magalit ng English,” pagtatapos ni Katrina.

IN PHOTOS: Meet Katrina Halili's mini me, Katie Lawrence