LOOK: Jennylyn Mercado, binilhan ng doll house ang anak ni 'Prima Donnas' star Katrina Halili
Published On: September 23, 2019, 05:23 PM
Niregaluhan ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ng isang doll house ang kanyang inaanak na si Katie Lawrence na anak ng kanyang batchmate sa StarStruck Season 1 at star ng Prima Donnas na si Katrina Halili.
Sa post ni Katrina sa Instagram, makikita kung paano naging excited si Katie sa kanyang bagong laruan.
"Hahahahaha! Happy naman talaga siya ninang @mercadojenny excited lang siya," saad ni Katrina.
"I love you! Thank you!"
Nag-reply naman si Jennylyn sa comment section.
Aniya, "You're welcome, Katie labs! Grabe 'yung pagpilit mo! Excited nga siya eh! Hayaan mo na kasi!"