Celebrity Life

Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, nagpagalingan sa pagluto ng itlog habang naka-quarantine

Nananatili sa loob ng kanilang bahay ang pamilya nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Bilang pampasaya, nagpagalingan ang mag-asawa sa pagluto ng paboritong pritong itlog ng kanilang anak na si Stellar.

Hinamon ni Chynna ang kanyang mister na si Kean sa gawaing bahay sa kanilang recent vlog entry.

Aniya, “I'm taking this opportunity to teach my husband, who does a lot of stuff and knows to do a lot of things but does not know anything in the house. Itsa-challenge ko siya. First step, how to cook an egg.”

Dagdag pa ni Chynna sa kanyang Instagram post na “super fan” ng fried eggs ang kanilang panganay. Ito raw ang simpleng bonding activity ng kanilang pamilya ngayong panahon ng community quarantine.

Who cooked the better egg? 🍳 Konting pampasaya! Day 1 ng Enhanced Community Quarantine kahapon. Eto ang aming simpleng activity kasama si Stellar na super fan ng fried eggs.

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

Matapos magpakitang-gilas ng aktres sa kanyang pagluluto, si Kean naman ang nagprito ng itlog.

Kanino nga ba ang mas masarap na itlog? Panoorin:

RELATED CONTENT:

Michael V. persuades public to turn attention to old hobbies during home quarantine

GMA Artist Center stars, to go live on Facebook everyday during the enhanced community quarantine