Celebrity Life

Alyssa Valdez, sinopresa ang mga magulang ng brand new car!

By Aedrianne Acar

It's time to give back!

Taos-puso ang pasasalamat ng former Ateneo de Manila University star spiker na si Alyssa Valdez sa kanyang mga magulang na sina Ruel at Pablita.

Kaya sa latest vlog ng tinaguriang “Phenom,” sinorpresa niya ang mga ito ng isang brand new car.

Saad ni Alyssa na ramdam niya ang suporta ng mga magulang kahit noon pa na nag-aaral pa siya.

“Sa buong time na nag-aaral ako, nasa Manila lang ako, lahat pino-provide ng parents ko. So today, hopefully maging masaya sila sa ibibigay kong gift sa kanila."

Screenshot taken from Alyssa Valdez's Instagram account

Makikita naman sa vlog na hindi mabura ang ngiti nina Mr. and Mrs. Valdez nang sabihin ni Alyssa na para sa kanila ang bagong kotse.

Dagdag pa ng volleyball superstar na hindi matutumbasan ng regalo niya ang lahat ng paghihirap ng kanyang mga magulang.

Ani Aly, “Yehey! Successful ang ating surprise sa aking parents. Alam ko naman na hindi masusukat or hindi mapapantayan kung gaano kadami 'yung nasakripisyo na binigay sa akin ng parents ko sa binigay ko today.

"Pero sana magamit nila, maging safe sila sa nabigay ko and sana ma-enjoy nila 'yun.”

In a relationship si Alyssa Valdez sa PBA cager na si Kiefer Ravena at ipinagdiwang nila ang kanilang 4th anniversary last April 2020.

Kiefer Ravena thanks Alyssa Valdez for staying with him despite numerous controversies

IN PHOTOS: Meet the Ravena clan, the family of champions