Celebrity Life

Mavy at Cassy Legaspi, inamin kung saan sila hindi magkasundo

By Maine Aquino

Inamin nina Mavy at Cassy Legaspi ang mga bagay na typical nilang pinag-aawayan o hindi pinagkakasunduan.

Sa live stream video ng kanilang mommy Carmina Villarroel, inalam nito kung may sagutan na nga bang nangyari sa pagitan ng dalawa niyang anak.

Kuwento ni Mavy, hindi lamang sila nagkakasundo kapag may desisyon ang isa na hindi gusto ng isa.

"Siguro 'yung type of fighting namin ni Cassy is kung upset kami sa mga decisions ng twin."

Dugtong pa ni Mavy, "It's not parang Cassy did this kaya galit ako or I did this kaya galit si Cassy... We're upset, it's not arguing."

Ibinahagi rin ni Mavy ang isa sa examples ng naging argument nila.

"Yung pinaka argue namin ni Cassy is pagiging upset na Cassy can do better at this. 'Yung ganon."

Paliwanag rin ni Cassy na hindi sila nagkaroon ng big fight ng kanyang kambal.

"We don't really fight. Walang fights or whatever."

Saad pa ni Mavy, one liner lang silang dalawa 'pag hindi magkasundo.

"One liner, Cass ano ba!"

Nilinaw ni Cassy na nagbibitaw si Mavy ng kanyang mga one liner niyang hirit kapag gusto niyang i-defend o protektahan ang kanyang kapatid.

"This only happens when Mavy wants to protect or defend me or something. I don't know how to explain it."

Dagdag naman ni Mavy, "Parang wake up call lang."

WATCH: Zoren Legaspi and Carmina Villarroel's jojowain o totropahin game

WATCH: Carmina Villarroel introduces her fur babies