Celebrity Life

Bimby at Kuya Josh Aquino, halos magsingtangkad na!

By Cara Emmeline Garcia

Sa edad na 13 years old, halatang namana ni Bimby Aquino ang kanyang height sa kanyang ama, ang PBA player na si James Yap.

Pero ayon sa ina ni Bimby na si Kris Aquino, malaking factor sa pagtangkad ang pag-inom ng gatas tuwing umaga.

Aniya, “Sagutin ko na in advance--yes, DNA is a big factor--but up to now, Bimb starts his day with a big glass of fresh milk with milo, no longer something we endorse but kinalakihan ni Bimb.

“And medyo weird but, when I was weaning him from the bottle, I was able to convince Bimb to drink fresh milk by still mixing 2-3 scoops of Nido into the big glass.

“The two are dedicated milk drinkers and my friends know my coffee is milk with a bit of coffee-- so we're a family of milk drinkers.”

Kalakip ng caption ang isang litrato ni Bimby at ang nakatatandang kapatid nito na si Kuya Josh.

Dagdag pa ng Queen of All Media, kung ikukumpara niya ang height ni Bimby kay Kuya Josh, maaring 6-footer na ito.

Maraming netizens ang namangha sa tangkad ng dalawang anak ni Kris Aquino at nagsaad na maaring malagpasan pa ni Bimby ang kanyang 25-year-old na kapatid.